Sa pagtakbo ng oras buhay ko ay nag iiba,
Siguro nga ang dahilan, dahil sa kanila,
Mga munti kong tropeyo na sa akin hinulma.
Silang na nabubuhay at di ko maka-ila.
Munting anghel na para sakin ay hugutan ng lakas,
Dagok para sakin kung ako'y tatakas,
Sa hirap ng pinag daanan ako'y tumitikas,
Pag iniisip ko na kailangan nila ng gatas.
Sanggol na inalagaan sa kanlungan ko'y gapos,
Pinangako ko sa sarili itataguyod kahit hikahos,
Kaya dapat kung pag isipan pano sila mapag tapos,
Kanilang kinabukasan aking itutulak kahit pa mang limos.
Pag patawad niyo kung ako ay may kakulangan,
Pinipilit ko naman na ito ay punan,
Para sa inyo hahawiin ko ang daan,
At ihahatid ko kayo saan man ang pupuntahan.
Ang lahat ng ay gagawin para sa masarap na kakainin,
At hindi ko hahayaan mabuwag itong apat na dingding,
At kung hindi niyo maintindihan kung bakit ko kailangan gawin,
Ang lahat ng ito ay para sa inyo rin.
Sa tulang ito na inaalay ko sa kanila,
Maga anak ko ni minsan di kayo mag -iisa,
Andito ako habang buhay niyong ama,
Ako ang mag sisilbing tanglaw kasama ng inyong ina.
Silang mga bata na aking minahal ng lubos,
Pagod sa trabaho at kahit pa pawis ay bumuhos,
Itulay sa kahirapan at sa buhay na kapos,
Ni minsan di niyo ikakahiya na kayo ay naging SANTOS.