Friday, January 20, 2012

GAMOT SA EPAL

T S

Hindi ikaw ang kausap ko! Pwede huwag kang....? Napansin ko napapadalas ko nang sabihin to, sa araw araw na pakikisalamuha ko sa mga tao. lalo na sa uri ng trabaho ko napansin ko lang na talaga palang ang dami na talagang EPAL sa mundo at kumakalat ito na parang epidemya.

Sa kapit-bahay, sa kaibigan, kasakay sa bus o MRT lalo na sa mga BOSS, siguro sadyang nasisikipan na sila sa buhay nila at mas gusto nilang paki-alamanan ang buhay ng iba. Tipong kung gusto mo mag salita dapat syempre kasali sila, sasabat, aastang magaling at sobra ang nalalaman.

Mga taong punong puno ng nalalaman at hindi mapigilan na sumingit para lang sumapaw at hindi kaya magtimpi na sumali sa mga bagay na hindi naman siya kasali at hindi kailangan ng kanyang opinyon. walang gamot sa EPAL siguro ang lunas lang ay BARAHIN na lang ang mga taong tulad nito. pero minsan talagang tigas ng mukha kahit soplakin mo na talagang deadma at EPAL to the max parin ang mga hinayupak.

Sa opisina, naku dyusko! eto na yata ang lugar para sakin kung saan pumupugad at nag paparami ang mga EPAL. pangalawa na lang siguro yung mga napapanood ko sa TV, kase puro isolated case lang yung mga nasa report.

Pansinin niyo ang Impeachment Case, siguro hindi na maalis na talagang may mapag-panggap at mula sa pagka kubli sa tao pag kailangan ng tulong biglang magiging halimaw na eeksena na dunung-dunungan para lang hindi maka limutan ng tao yung kanilang pangalan sa susunod na halalan.



Pero ibang klase yung lahi ng EPAL sa opisina, sabi ko nga eto yung beneficial sa tao ang pagiging epal lalo na sa CAREER. may taong ang credit ng iba ay inaangkin ng iba sa tigas ng mukha aangkinin niyang parang siya lang talaga ang gumawa. bonus pa dito yung "hindi niya pag papasalamat sa taong tunay na gumawa" anak ng tupang bakla talaga sarap lamugin ng mukha. meron din habang nasa meeting hindi kailangan ang opinyon biglang susuog imbes na maka tulong lalo pang nag pagulo. may non-sense kausap pero kailangan mo ng sagot. meron ding hindi kinakausap pero sisingit na parang alam ang trabaho. makiki elam hindi alam ang puno't dulo. 

Ganyan yung mga taong sarap sipsipin ang utak, mas mabuti na yung walang laman ang bungo kesa punong puno nga pero sagad naman sa ka-EPALan. para sakin ang pinaka masarap kausap yung taong nakikinig muna bago sumagot. yung tipong marunong mag analisa at tumantya ng taong kausap. sabi nga sakin nung bata ako "Huwag sumabat sa usapan ng matanda" dahil matanda nako pwede na ba kong sumabat? HINDI LINTEK!.

Sapat sana ang pambabara pangontra sa EPAL, dahil kung manganganak pa sila sa araw araw  at makakaharap ko. Siguro isa na ko sa taong pinaka masama ang bunganga sa kakamura sa mga taong ganito. Paninindigan ko ang pagiging PILOSOPO at ibabaon ko ang pag-katao ng mga taong katulad nito na makakaharap ko. WALANG GAMOT SA INYO!? EH DI P*T@NG !NA N!O!

Biro ko nga minsan, "Malakas ka bang gumamit ng Toothpaste? kung hindi dapat lakasan mo, kase ang dalas mo dumada eh!" pero ang totoo kahit hindi mag toothbrush yang mga yan ayos lang. Kase hightech na rin yang mga yan parang CHISMOSA. Ang CHISMOSA ang kapatid ng EPAL, kase marami na ding umeepal sa Internet. thru email, social network ewan ko ba pati sa YM. PUTRAGIS! lang ligtas noh? 

Kaya mga kaibigan, ka-opisina, kapatid, kapamilya at ka-puso, HUWAG MAG INGAT SA EPAL! BARAHIN SILA!. at kung nasa harapan mo na siya TALIKURAN MO NA! dahil hindi ka uunlad sa mga taong katulad nyan kaya mas mabuting huwag mo nang samahan yan. hindi man siya nakakahawa. isa lang ang isipin mo hindi sila maiiwasan dahil ang EPAL sakit na yan.