Tuesday, February 14, 2012

KABIYAK


Sana bagay lang ang aking naiisip;
Pano ko nagawa matupad aking panaginip,
Dahil ba sa babaeng ito kaya ako nag pumilit;
Naka ugalian ko biglang nabago ng saglit,
Hindi ko ginusto ang buhay ko ay maging komplikado;
Pero pag kasama ko siya hirap sakin ay nagbabago.

Daig ng saya ang ang pagod na aking nadarama;
Dahil sa pag uwi ko sang tao ang maligaya,
Lagi niyang binabantayan ang aking kilos at galaw;
Pati na pag alis at pag uwi ko na amo'y araw,
Galit pag darating na ako'y lasing;
Pero sya ang nagkukumot sa lamig para ako ay mahimbing,
Hirap man siya sa tigas ng aking ulo;
Hinahabaan ang pasensiya para ako ay matuto,
Lahat ng damit ko ay nilalabhan nito;
Pati ang mga problema ko siya ang umaareglo.

Pano ba ko mabubuhay kung wala ang taong to;
Hirap man isipin, madalas kaming magtalo,
Lahat ng bagay aking pinag papasensyahan;
Handa nya isugal pati sarili niyang kaligayahan,
Lagi ko sinasabi sa sarili di ko siya papalitan;
Taliwas saking sinabi lagi ko siyang pinapasakitan.

Siya ang babae na nag silang ng aking apat na supling;
At hindi siya nag sasawa na gabi-gabi akong kasiping,
Sa hirap at ginhawa kami ay nag damayan;
At isa siya sa naniwala sa pangarap ko na makamtan,
Inisa-isa ko ang hakbang at siya'y nag silbing tulay;
Malabo kong mithiin nilagyan pa niya ng kulay,
Nag-iisa lamang ang kabiyak pang habang buhay;
At kung mawawala man ako hihintayin ko siya sa kabilang buhay.