Baliktanaw
sa masaya at magandang nakaraan,
Noong mga
panahong nagsisimula ang ating kantyawan,
Masaya ang
bawat oras kasama ka sa tawanan,
Walang
pangamba sa pangyayari pagkatapos ng kasalukuyan.
Dumaan ang
panahon na ang tawa ay napalitan ng ngiti,
Medyo pilyo
ang dating at hindi ako maka hindi,
Iba ang
pakiramdam parang tuwa na may kiliti,
Kantyawang
sineryoso biglang sa pagtingin nauwi,
Araw araw
kang kasabay at ayokong pumalya,
Siguro nga mas
ginusto ko ang maging masaya,
Hindi pilit
ang bawat sandali ngingisi-ngisi habang katabi ka,
Ang dating
buskahan hindi na nakaka asar dahil lumalalim na.
Ginawa kang
inspirasyon dulot ng mga pangyayari,
Hindi na
nagbibiro ang damdamin sa gusto nyang mangyari,
Minsan simpleng
pagtingin lang ngayon gusto ka ng ma-ari,
Dumating ang
pagkakataon ng ikaw ay aking tinanong,
Ngumiti ka
lang at yumakap sabay merong binulong,
“Mahal kita
dahil sa ulan ikaw ang nag silbi kong pandong,
sa
kalungkutan ikaw ang saya kaya pwede huwag ka ng magtanong”.
Sa aking
narinig lubos ang tuwa at sukdulan ang kagalakan,
Siya’y akin
na ngayon at simula ngayon hindi kita pakakawalan,
Ilang dami ng
byahe na katabi kang masaya dahil sa kantyawan,